Jose, Wally inalok nga ba ng P2M para wag sumama sa TVJ?

KUNG paniniwalaan si Cristy Fermin, inalok ng P2 milyon kada isa ang mga dating hosts ng “Eat Bulaga” na sina Jose Manalo at Wally Bayola para manatili lamang sa noontime show ng Kapuso Network.

Pero, dagdag ng veteran show biz columnist at host, tinanggihan ito nina Jose at Wally at nag-resign sa TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga, kasama nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at ng iba pang Dabarkads.

“May tumawag po kay Jose at Wally na huwag sumama sa Tito, Vic at Joey. At agaran daw po, padadalhan sila ng tsekeng tig-P2 million,” ani Cristy sa kanyang online talk show na Showbiz Now Na.

“Hindi po nila pinatulan ‘yung two million pesos…iyon na nga po isang grupo ang Dabarkads sumama sa Tito, Vic at Joey,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanyang source, noong isang buwan ay na-delay ang sahod sa show ng dalawa.

“Ito ‘yung panahon na pati po pala na pati sila ay delayed ang kanilang sweldo sa Eat Bulaga,” sambit ng columnist-host.

“Napakabait ng dalawang ito. Wala ngang maririnig, walang reklamo. Nasu-show, bigay na bigay ang isang daang porsiyento, hindi pala sila sumusweldo,” aniya pa.