Julia Montes buntis nga ba?

INULIT ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tanong ng mga netizens kung totoo bang nagdadalang-tao ang aktres na si Julia Montes.

Sa kanyang online talk show, sinabi ni Cristy na marami ang nakakapansin ng tila paglaki ng bilbil ni Julia.

“Alam mo naman ngayon ang mga Marites, talagang lahat napapansin na nila. Kumilos nang pakaliwa at pakanan ang mga artista, meron agad silang napapansin. Tulad ngayon, totoo raw ba–question mark naman itong kanila, tandang pananong– totoo raw ba na nagdadalang-tao ngayon si Julia Montes at ang itinuturong ama ay walang iba kundi ang walang kamatayang si Cardo Dalisay, si Coco Martin?” ani Cristy.

“Kasi raw napansin nila sa ilang eksena ng Ang Probinsyao at mga pictorial ni Julia na may kalakihan daw ang bilbil,” dagdag niya.

Umugong din ang tsismis sa kondisyon ng aktres sa burol ni Susan Roces ilang linggo na ang nakararaan.

“Unang-una kong narinig ang kwento tungkol sa diumano–ayan po, diumano– na pagdadalang-tao ni Julia Montes noong pumanaw si Manang Inday. Nagpunta po sa ikalawang gabi ang mga artista at production staff po ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay, wala si Julia Montes,” pahayag pa ni Cristy.

“At may mga nagtatanong, kaya ba wala doon si Julia, bawal daw magpunta sa lamay o sa burol ang buntis? ‘Yun ang katanungan,” hirit pa ng kolumnista.