Jovit huwarang anak: ‘Isang text ko lang andiyan siya’

PARA sa ina ng namayapang singer na si Jovit Baldivino, isang huwaran ang kanyang anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Gng. Cristeta Baldivino na malaki ang naitulong ni Jovit sa pagtataguyod sa kanilang pamilya.

“Kaya ngayon, talagang napaka…hindi ko masabi…hindi ko alam,” tila puputok ang dibdib na inusal ng ginang.

“Siya ang aming…sa lahat ng aming gastusin,” dagdag ng ginang.

“Napakabait niya. Wala akong masabi. Lahat ng, lahat ng gusto namin na ano, naibibigay niya sa amin. Tulad ng may kailangan kami halimbawa, isang text ko lang andiyan na siya,” ayon pa sa ina ng singer.