Deanna ikinumpara kay Alyssa

IKINUMPARA ng batikang kolumnista at host na si Cristy Fermin ang kontrobersyal na volleyball player na si Deanna Wong sa isa pang popular na volleyball player na si Alyssa Valdez matapos ang isyu ng pang-iisnab nito sa fans.

Sey ni Cristy, hindi iininda ni Alyssa ang pagod kahit pagkatapos ng laro at nagbibigay ng oras para pansinin ang fans.

“Ako talaga, hindi ko tuloy maiwasan na hindi ikumpara siya (Deanna) sa mas matagumpay at mas magaling na si Alyssa Valdez di ba?” ani Cristy.

“Si Alyssa po, grabe, kahit anong mangyari, kahit pagod na pagod na, kahit masakit na ang tuhod at braso sa kapapalo ng bola, hindi po siya nawawalan talaga ng respeto at pagmamahal sa mga tagahanga,” dagdag ni Cristy