Joey Marquez hands-on lolo sa baby ni Winwyn

ISINAPUBLIKO ni beauty queen-actress Winwyn Marquez na sobrang nai-spoil ng mga magulang niyang sina Joey Marquez at Alma Moreno ang anak niya na si Luna.

“Sobrang love ni Daddy si Luna. Hands-on talaga siya. Pag bumibisita kami, talagang gusto niya nasa sight niya lang si Luna. Baka nga maging lolo’s girl ‘to. Everyday talaga mag-video call ‘yan para lang makita si Luna,” sey ni Winwyn.

Samantala, nakikita naman ni Alma si Winwyn sa apo kaya tuwang-tuwang din ito sa bata.

“Si Mama naman same with Luna spoiled din. Feeling ko ganun naman pag lolo at lola, nakikita daw nila kasi nila ako kay Luna nung baby ako so lagi sila nag-reminisce,” kuwento pa niya.

Samantala, inamin ni Winwyn na naging mas close sila ni Joey nang maging ina siya.

Mas malalim na aniya ang nagiging usapan nilang mag-ama tungkol sa pamilya at buhay.

“Sobrang close talaga kami ni Dad. Siguro ngayon, mas deep na napag-uusapan namin kasi i ask advise from him paano mag-alaga, ano mga things na pwede gawin for Luna etc. Yung usapan namin ngayon about family and life in general na talaga,” ani Winwyn.