JLo, Ben Affleck kasal na

NAGPAKASAL na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck sa isang intimate ceremony noong Sabado sa Las Vegas.

Unang nagkilala sina Lopez at Affleck noong Disyembre 2001 sa set ng “Gigli,” at noong Nobyembre 2002 inihayag ng dalawa ang kanilang engagement.


Taong Enero 2004 nang ikansela nila ang kanilang engagement.

Makalipas ang 17 taon, muling nabuo ang relasyon ng dalawa at kamakailan nag-propose si Affleck kay Lopez habang nasa bubble bath.

“I was taken totally off guard and just looked in his eyes smiling and crying at the same time trying hard to get my head around the fact that after 20 years this was happening all over again, I was quite literally speechless and he said, ‘is that a yes?’ I said YES of course that’s a YES,” sabi ni Lopez.