Jennylyn Mercado glowing sa maternity shoot

NAPA-WOW ang publiko sa sneak peek ng maternity photo shoot ni Jennylyn Mercado na naghahanda na sa pagdating ng panganay nila ng aktor na si Dennis Trillo.

Suot ni Jennylyn ang isang sheer dress at scarf habang hawak ang kanyang baby bump.


Ipinost ni Jennylyn ang picture, na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual, sa kabyang Instagram account nitong Miyerkules.

“Maternity shoot sneak peek,” caption niya.

Kabilang sa mga humanga sa photo at excited na sa panganganak ni Jennylyn ang mga kapwa artistang sina Angel Locsin, Carla Abellana, Valerie Concepcion, Jackie Lou Blanco at Yasmien Kurdi.