‘Iñigo Pascual’ nakabangga ng nagbibisikleta?

NAKABANGGA ang singer-actor na si Iñigo Pascual ng pisang nagbibisikleta sa Barangay Balsahan, Kawit, Cavite, Lunes ng gabi.

Minor injury umano ang tinamo ng biktimang si John Mark Cabilan Sabanal.Ayon sa ulat ng pulisya, nagtamo ng pinsala si Sabanal matapos mabundol ng Ford Ranger Raptor na sinasakyan ng aktor.

Nasagi umano ang biktima ng sasakyan ng aktor sa isang kalye sa barangay Balsahan. Pagkatapos mabundol ang biktima, bumangga rin ang sasakyan ng aktor sa isang nakaparadang kotse na pagaai naman ni Carlos Garin.

Agad naman siyang dinala sa Binakayan Hospital para magpagamot.

Ayon sa pulisya hindi nila alam kung ang nakabangga ay siyang anak nga ng aktor na si Piolo Pascual.

“I don’t know, I don’t know him and we didn’t ask if he was an actor,” pahayag ni Maj. Joel Palmares, Kawit chief of Police.