Pulis di nagbaril sa sarili, binoga ng kabaro na natalo sa bunong braso

ARESTADO ang dalawang pulis at isang sibilyan matapos barilin ng isa sa kanila ang isa pang pulis sa inuman sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakailan.


Dinakip sina Cpls. Corporal Sherwin Rebot at Harold Mendoza at ang driver na si Lorenzo Lapay.


Si Rebot ang itinuturong bumaril at nakapatay kay Cpl. Higino Wayan, nakatalaga sa Kamuning Police Station.


Matatandaang iniulat ng PUBLIKO na sinabi ni Lapay na nagbaril sa sarili si Wayan dahil umano sa kalasingan.


Pero habang iniimbestigahan ay inamin niya na binaril ni Rebot ang biktima nang matalo ito ng huli sa bunong braso.


Nilinis namang ng driver si Mendoza at sinabing natutulog ito nang maganap ang pamamaril.


Isinailalim sa paraffin at drug test examination ang tatlo.


Patong-patong na kaso ang isasampa laban sa kanila.