Heart wala nang suot na wedding ring

SA gitna ng mga balitang on-the-rocks ang relasyong Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, ilang netizens ang nakapansin na hindi na isinusuot ng aktres at style icon ang kanyang diamond wedding ring.

Ayon sa mga netizens, sa lahat ng mga bagong post ni Heart sa Instagram ay wala itong suot na wedding ring.

“Hindi basehan but I hope the rumors are not true.”

“Feeling ko sinadya nyang ipakita sa photo na wala na yung ring.

“Wala na yung ring. Sending love miss heart.”

“No more wedding ring and engagement ring.”

“Sa ganyan ding paraan in-announced ni Carla (Abellana) na hiwalay na sya by subtly showing her finger sans her wedding ring.”

“So much going on between the two of them and we all know it’s all going to head this way.”

Nagsimula ang espekulasyon ukol sa pagsasama nina Heart at Chiz nang tanggalin ng aktres ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram profile information.