Francine Diaz tinawag na tanga ng direktor

NI-REVEAL ni Francine Diaz ang mga paghihirap na pinagdaanan niya bago naging sikat na artista, kabilang ang isang audition kung saan ay tinawag siyang tanga ng direktor.

Sa panayam ni Karen Davila, sinabi ng young actress na hindi niya naintindihan ang utos ng direktor dahil hindi pa siya kumakain.

“Ang rule namin ni Mama, audition muna bago kakain para tipid tayo, so bawal ka kumain hanggat hindi tayo tapos mag-audition kasi ‘yung pamasahe natin tipid lang. Siyempre kapag gutom, slow ka mag-pick up ng mga instructions, hindi nagwo-work ‘yung brain,” kuwento ni Francine.

“So parang may sinasabi ‘yung director at that time na hindi ko na-gets kasi gutom ako noon pero binibigay ko naman ‘yung best ko sa audition tapos ang sabi niya, ‘Ang artista dapat matalino, hindi tatanga-tanga,” dagdag niya.

Inilahad din ni Francine na matapos makuha sa teleseryeng “Kadenang Ginto,” nangungutang sila ng pera para may ipamasahe pagpunta sa lokasyon ng taping.

“Nangutang kami pang-Grab kasi wala kaming pamasahe. Minsan kinakatok namin ‘yung kapitbahay namin nang madaling araw para sa pamasahe,” aniya.