Ex-sexy actress ipinagkumpara OOTD nina Heart, Maris

MAY pinasasaringan ba ang dating sexy actress na si Vivian Velez sa kanyang post kaugnay sa mga outfits of the day nina Heart Evangelista at Maris Racal?

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Vivian ang mga pics nina Heart at Maris.

Caption niya: “Heart’s designer outfit in Paris vs. Ukay-ukay of Maris Racal in NYC. You don’t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha.”

Marami ang umayon sa sinabi ni Vivian na hindi kailangang magsuot ng mamahaling damit para magmukhang mamahalin, pero nabastusan umano sila sa ginawang pagkukumpara nito sa dalawa.

“Why the need to compare? Parehas sila maganda on their own way! Magkaiba yung dating and style nila. Also, nag uukay-ukay din po si Heart watch her vlogs.”

“Kung sino pa ung matanda siya pa ang gumagawa ng gulo..d nalang mging masaya sa kapwa pilipino.”

“Akala q tinanggal na ung online sabong?”

“Ok lang yan basta may pambili. wag maingay ang d kaya.”

“Hayaan nalng kasi may pambili man at passion man ni heart un.”

“Mayaman naman si heart… wala na tayo pake if anuhin nya PERA NYA.”