Ellen tinawanan hacker ng FB page

HINDI nakakusot sa aktres na si Ellen Adarna ang hacker na pinagtangkaan ang kanyang Facebook account.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ellen ang isang screenshot ng notification na mayroong sumusubok na i-hack ang kanyang FB page.

“Hi Maria Elena, you can enter this code to log into Facebook,” mensahe nito. “If you weren’t trying to log in, please let us know.”

Naging alerto naman si Ellen at agad itong inireklamo sa Facebook.

“Dear Hacker…Don’t even bother. Nice try tho,” aniya.

Mayroong 3.1 million followers ang verified account ni Ellen.