EA nagdusa para panatilihing virgin si Shaira

INAMIN ng aktor na si EA Guzman na naging mahirap para sa kanya na panatilihing virgin ang girlfriend na si Shaira Diaz sa kanilang 11-taon na relasyon.

Sa panayam ni Boy Abunda sa “Fast Talk,” ipinagmalaki ni EA na “pure” na haharap sa altar si Shaira sa kanilang nakatakdang kasal.

Gayunman, aminado si EA na sa unang dalawang taon nila ni Shaira bilang magkasintahan ay iniyakan niya ito nang sobra.

“Ang hirap. To be honest, ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya,” pagtatapat ni EA kay Boy.

Aniya, nahimasmasan lang siya nang sabihin ng girlfriend na, “Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.”

“Doon ako tinamaan. Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag nakakaramdam ako nang ganito,” sabi ng aktor.

Ayon naman kay Shaira, pangako umano niya sa mga magulang na mananatili siyang virgin hanggang sa kanyang kasal.

“Ino-honor ko po ‘yung family ko, especially my mom and dad. ‘Yan po ang promise ko sa kanila talaga na kahit iwan n’yo ako saan, ito buong-buo pa rin ako,” sambit niya.

“Sabi nila, iyon ‘yung best gift na mabibigay mo sa asawa mo,” dagdag niya.