Dennis Trillo todo-alaga sa baby kahit back-to-work na

TULOY pa rin ang pag-aalaga ni actor Dennis Trillo sa panganay nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan kahit pa balik-taping na siya.

“Umuuwi ako ng madaling araw, diretso ako noon mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-check ko kung kailangan na ba palitan ng diaper,” ani Dennis.

Sinabi niya na masaya siya sa pagiging first-time hands-on dad.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto. Ngayon, na-experience ko ’yung mga hindi ko na-experience dati. Nakapag-hands on ako talaga na mag-alaga ng pamilya, ng anak. Siguro isa ito sa pinakamasasayang stages ng buhay ko,” chika ni Dennis.

Aminado naman ang aktor na hindi madali ang pagiging hands-on dad.

“Medyo mahirap pero kailangan lang masanay. Kailangang magaling ’yung time management mo bilang artista at tatay sa bahay,” sey niya.

“Once na makuha mo na ’yung time management mo nang maayos madali ka nang makakapag-adjust,” dagdag ng Kapuso actor.