Dog owner iniwan ang alaga dahil kay mama: ‘Sorry Panda’

NAANTIG ang puso ng mga netizens sa liham ng isang former doggo owner na napilitan iabandona ang kanyang alagang aso dahil lagi raw itong napapagalitan ng kanyang nanay.

Sa isang post sa Twitter ni @stubbornicole, natagpuan niya ang aso na inabandona ng kanyang owner at ang note na iniwan sa kanyang leash para sa sinoman na makakakita at kukupkop sa kanyang aso na si “Panda”.

Sa note, sinabi ng owner na: “Kuya, ate, sa sinoman na makabasa nito, sana po alagaan nyo po ng maayos ang aso ko. Kaya po nagawa ko ito dahil lagi nagagalit si mama sa kanya hindi ko man kagustuhan. Sorry Panda. Panda po name nya.”

Ayon kay @stubbornicole, matapos niyang kunin ang aso ay dinala niya ito sa Philippine Pet Birth Control Foundation sa Mandaluyong City para pansamantalang maalagaan.

“Hello! I found an abandoned dog near Mandaluyong City Hall. Here are some of her photos, along with the note attached to her leash. If you’d like to adopt her, I brought her to Philippine Pet Birth Control Center Foundation in Boni Ave.,” post ni @stubbornicole sa kanyang Twitter.