‘Daniel hindi namimigay ng pera sa fans’

UMAPELA ang host-actress na si Karla Estrada sa publiko na i-report ang isang Facebook user na ginagamit ang pangalan ng anak niyang si Daniel Padilla.

Ani Carla, “fake news” at “fake account” ang “Daniel padilla” sa Facebook na namimigay ng P5,000 sa mga masusuwerteng fans.

Shinare ni Karla ang screenshot ng account.

Bagong gawa lang ang account at para umano ma-promote ito ay magpapamudmod ito ng pera sa mga GCash users.

“Hi po welcome to my DM am doing giveaway to all my fan’s today and you are lucky to be one of them I really appreciate you,” sey ng poser.

“Send me your gcash number for 5k on gcash,” dagdag nito.

Naniniwala si Karla na scammer ang may-ari ng pekeng account.