Daniel etsapwera sa house blessing ni Kathryn, kinaawaan ng fans

AWANG-awa ang fans kay Daniel Padilla sa hindi pag-imbita sa kanya ng dating girlfriend na si Kathryn Bernardo sa housewarming nito noong Huwebes.

Sey nila na sana kinonsidera ni Kathryn na minsan ay naging bahagi si DJ ng kanyang buhay at pagbuo ng mga pangarap.

Napa-throwback pa ang mga ito at sinabing kasama si Daniel sa groundbreaking ceremony ng nasabing bahay noong 2020.

“Hays. Ung kasama nea nun groundbreaking hindi na ksama sa housewarming.”

“Si kath may bagong bahay pero si daniel nagbenta ng bahay. ang sad.”

“Why oh why dj is not there?”

“Saklap. yakap ng mahigpit Deej.”

“Ikaw ang kasama sa pangarap iba ang kasama sa ending.”

“Ganun tlga ..kasama ka sa hirap ..Pero Iba na kasma pagdating sa sarap.”

“Siya Yung Kasama nung nagsisimula pero nung natapos na ndi na sya ang kasama.”

Isa lang ang sagot ng mga tagasuporta ni Kath: “Dasurb.”