‘Crash Landing On You’ stars Hyun Bin, Son Ye-Jin ikakasal na

KAPWA kinumpirma ng ‘Crash Landing On You’ stars at real life couple na sina Hyun Bin at Son Ye-Jin na engaged na sila.

Sa magkahiwalay na post sa kanilang Instagram, nagpahiwatig ang dalawa tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

“Hyun Bin and Son Ye Jin have decided to get married soon,” sabi ni Hyun Bin sa kanyang caption sa kanilang larawan ni Son He Jin na magkahawak kamay.

Nagpost naman si Son Ye-Jin sa kanyang Instagram ng damit na pangkasal ng isang manika.

Nagsimulang mag-date sina Hyun Bin at Son Ye-Jin matapos ang blockbuster Korean drama na Crash Landing On You noong 2020.