Taal volcano nagparamdam na naman

ISANG maliit na phreatomagmatic burst ang naitala sa Taal Volcano alas-5 ng umaga ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Idinagdag ng Phivolcs na nagbuga rin ang Taal Volcano ng 10,009 tonnes ng volcanic sulfur dioxide na umabot sa 1,500 metro ang taas.,

Ayon pa sa Phivolcs, nakapagtala rin ng pitong volcanic earthquake at mahinang backround tremor.

Nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.