Coco kay Susan Roces: Nasa puso at isip kita habambuhay

ISA ang aktor na Coco Martin sa mga nagdadalamhati sa pagyao ng movie queen na si Susan Roces.

Magkasama sina Coco at Susan sa teleserye ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa kanyang Instagram page, sinaluduhan at pinasalamatan ni Coco ang kanyang “Lola Flora,” ang papel na ginampanan ni Susan sa nasabing teleserye.

“Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, paggabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!” ani Coco.

Maliban kay Coco, nag-post ng kanilang pagdadalamhati ang iba pang cast members ng

“FPJ’s Ang Probinsyano” na sina John Arcila, Lorna Tolentino, Raymart Santiago, Albert Martinez, Michael De Mesa, John Prats, Jhong Hilario, at Bela Padilla.