Beteranong aktres na si Jaclyn Jose pumanaw

SUMAKABILANG-buhay ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose ngayong Linggo, Marso 3, 2024. Siya ay 59 anyos.

Hindi naman tinukoy kung anong dahilan ng pagkasawi ng ina ni Andi Eigenmann.

Matatandaan na binigyang karangalan ni Jose ang Pilipinas nang tanghalin siyang Best Actress sa Cannes Film Festival noong 2016 para sa kanyang pagganap sa pelikulang ‘Ma’ Rosa’.