Barbie ibinida P20K bracelet

LAKING-PASALAMAT ng aktres na si Barbie Forteza na iniregalo sa kanya ng boyfriend na si Jak Roberto ang pangarap niyang bracelet dahil kung siya lang ay hindi niya ito bibilhin sa presyo nito na kasinghalaga na ng isang buwan niyang grocery.

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang Christian Dior J’Adior bracelet na paboritong accessory ng mga show biz personalities gaya nina Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao.

“Matagal ko na itong nakikita sa mga artista. Lahat may Christian Dior na friendship bracelet. Tapos tinignan ko yung presyo, isang buwang grocery ko na,” aniya.

Paliwanag ni Barbie, kahit gusto niya itong bilhin ay nagdalawang-isip siya dahil mula ng pandemic ay ayaw na niyang bumili ng branded.

Laking-gulat naman niya nang ang nasabing bracelet ang birthday gift sa kanya ni Jak.

“Nakakatuwa na naalala ni Jak ‘yun. Nakakatuwa kasi alam ko nag-pay attention siya nung chinika ko sa kanya. Yun ‘yung pinakaimportante. He pays attention to the smallest details na chinichika ko,” ani Barbie.