Anne Curtis suportado si Leni

INIHALINTULAD ni actress-host Anne Curtis ang isang rosas sa pagmamahal ng ina nang ianunsyo niya ang suporta sa kandidatura ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa Instagram, ipinost niya ang larawan ng isang pink rose.

Ang madamdamin niya caption: “A mother’s love. Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time…

“Dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo.

“Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas #LetLeniLead #LuvAnneLeni.”