Angeline bet magpakasal na Quiapo Church

ISINAPUBLIKO ng singer na si Angeline Quinto na sa Quiapo Church niya gustong ikasal sa fiance na si Nonrev Daquina.

“Sa Quiapo Church po kasi marami po akong kaibigang pari doon. Saka deboto din si Nonrev ng Nazareno,” sey ni Angeline.

Idinagdag niya na nais niyang sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo ang kumanta sa kanyang kasal.

Ni-reveal din niya na na-meet na niya ang pamilya ng fiance.

“’Yung mommy niya nandoon. Galing silang Virginia. Hindi natuloy ‘yung show namin sa Virginia. Tinatanong nila kung kailan ang kasal. Siyempre, hindi ko rin po alam kasi marami rin po akong trabaho. Nagtatanong na rin sila kung kailan ang kasal after ng binyag ni Sylvio,” sey ng singer.