Kris Aquino mahinang-mahina?

ISINAPUBLIKO nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio na mahinang-mahina si Queen of All Media Kris Aquino ngayon.

Sa katunayan, anila, hindi umano makapaglakad nang mag-isa si Kris at hindi makakain ng solid food.

“Ang kanyang kuwento, ‘paano makakauwi si Kris Aquino sa Enero, e, ni hindi nga siya makakakain pa ng solido,” sey ni Nay Cristy.

Tanging liquid lamang ang kinakain ni Kris dahil sa sakit at dahil hindi pa rin ma-trace kung saan nanggagaling ang allergies niya.

“Kaya takot na takot mag-take ng kung anu-anong pagkain?” tanong ni Romel.

Sey ni Nay Cristy, “Pangalawa, she can’t even move! She can’t even walk! Makalalakad lang siya kapag kasama ang PA (personal assistant) or isang nurse.’”

“Ibig sabihin ate Cristy mahinang-mahina?” tanong naman ni Morly.

“Mahinang-mahina, oo. Sa kanyang kuwento kung babasahin mo talaga punto por punto, hindi siya ganu’n kalakas pa. Hindi siya nakalalakad, kailangan niya ng hawakan, kailangan niya ng taong aalalay sa kanya makakaupo siya sa wheelchair,” sagot ni Cristy.