Ai Ai sa ex-BFF na si Kris: God bless her

MAY mensahe si Ai Ai delas Alas sa dating kaibigan ni si Kris Aquino: “God bless her.”

Sa isa sa mga posts niya sa Instagram, isang fan ang nagtanong kung kumusta na sila ni Kris.

“Makikimaritess habang di busy. Ano po masasabi nyo Ms. Ai sa pagkakasakit ni Kris na dati mong friendship?” tanong ng netizen.

“I hope gumaling na siya, God bless her,” sagot ng komedyana.

Mahigit pitong taon na ang nakararaan nang tawaging ni Ai Ai si Kris na kanyang “former friend” at mula noon ay hindi na niya ito nabanggit ni minsan sa mga interview.

Hindi naman tuwirang sinabi ni Ai Ai ang pinag-ugatan ng kanilang away.

Pero marami ang naniniwala na nagdamdam si Ai Ai nang hindi magparamdam si Kris nang sumakabilang-buhay buhay ang kanyang ina noong 2013.

Ani Ai Ai noon sa isang interview nang tanungin kung nagdaramdam siya kay Kris: “Kaya hindi ko lang sinasagot kasi ayaw ko na palakihin. Pero hindi ibig sabihin nun na ayaw ko siya, galit ako sa kanya, hindi ko siya mahal. Ayaw ko na lang pag-usapan kasi hindi naman kailangan.”

“Hindi naman ganun kabigat-bigat pero nasaktan ako siyempre. Tao lang ako, nasasaktan din ako. Minsan sabi nga nila, kapag totoong emosyon ‘yung involved sa friendship niyo, masasaktan ka talaga,” dagdag niya.