Rider sinipa ng baka, nasagasaan ng truck, todas

NASAWI ang isang rider na nasagasaan ng truck makaraang masipa ng baka sa Bauang, La Union nitong Linggo, ayon sa ulat.


Namatay ang hindi nakilalang biktima habang ginagamot sa ospital.


Base sa imbestigasyon, binabaybay ng rider ang highway sa Brgy. Baccuit Sur nang biglang sipain ng baka ang minamaneho niyang motorsiklo.


Tumalsik sa outer lane ng kalye kaya nasagasaan ito ng truck.


Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima pero namatay ito makaraang mahirapang huminga.
Ayon sa ulat, nasawi ang biktima dahil sa tinamong pinsala sa atay.