PMMA cadet natagpuang patay sa CR

NATAGPUANG patay ang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales sa loob ng banyo ng paaralan nitong Martes.


Sa kalatas, kinilala ng PMMA ang nasawi na si Cdt. Fourth Class Jonash Bondoc, na natagpuang halos wala nang buhay sa Alpha Company Barracks alas-6:30 ng umaga.


Naitakbo pa siya sa San Marcelino District Hospital pero idineklara na dead on arrival.


Inaalam pa ang ikinamatay ng biktima.
Agad na sinimulan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Bondoc.


“An investigation by the PNP San Narciso is already ongoing, and the PMMA administration is cooperating and will fully cooperate with the officers of the law to find out the truth about the untimely demise of 4CL Bondoc,” ayon sa PMMA.