Patay kay ‘Karding’ 9 na; apektadong pamilya umabot na sa 10,000

UMABOT na sa siyam ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Karding.

Sa latest report ng Office of the Civil Defense, siyam ang naiulat na namatay sa Central at Calabarzon area pa lamang.

Samantala umabot na sa 10,175 pamilya o 40,937 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng bagyo, 39,594 ang nasa mga evacuation center pa rin habang ang iba ay pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaibigan at pamilya.