Pagguho ng mga gusali, injuries naitala sa Abra

MATAPOS ang malakas na lindol na yumanig sa Luzon, maraming gusali ang nasira at gumuho habang marami rin ang napaulat na nasugatan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Abra.

Ilang mga netizens din ang nag-post ng mga gusaling gumuho, kabilang na Bantay tower sa Bantay, town, Abra, matapos ang 7.3 magnitude na lindol na tumama alas 8:43 ng umaga Miyerkules.

Ayon sa Abra PDRRMO, uumpisahan pa lang nila ang mag-inspect sa mga lugar sa probinsiya, kung kayat hindi pa mabatid kung ilan nga ang nasugatan matapos ang lindo.

“As of now, hindi pa namin napasyalan ‘yung ibang barangay. Marami kasi ditong mga casualty na mga victims… Sugatan, mga nabagsakan ng mga debris,” ayon sa Alvin Mar ng Abra PDRRMO.

May mga naiulat na marami ang isinugod sa ospital para lapatan ng lunas.