Magnitude 6.0 quake naramdaman sa Davao Oriental

INUGA ng magnitude 6.0 na lindol ang Davao Oriental alas-2:29 ng umaga ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lindol na may lalim na 71 kilometro, 86 kilometro silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

Naitala ang Intensity III sa Tubi, South Cotobato at Intensity II naman sa General Santos City.

Wala namang naitalang pinsala, bagamat inaasahan ang mga aftershock.