Magnitude 5.1 lindol naramdaman sa Davao Occidental

INUGA ng magnitude 5.1 ang Davao Occidental alas-10:15 ng umaga ngayong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 259 kilometro 447 kilometro silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs.

Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang pinsala at damage sanhi ng pagyanig.