Pacquiao reresbak sa politics

SINIGURO ni Filipino boxing icon at dating senador Manny Pacquiao na babalik siya sa politika makaraan ang bigong presidential bid.

Sa kanyang guesting sa South Korean variety show na “Knowing Bros,” ikinuwento ni Pacquiao ang tungkol sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

“Sumali ako dahil gusto kong disiplinahin ‘yung mga tao. Pagdating sa korapsyon, gusto kong sugpuin ‘yung korapsyon and then gusto kong umunland ‘yung bansa namin,” aniya.

Nang tanungin ng host at komedyante na si Kim Yongchul kung mayroon siyang planong tumakbong muli, sagot ni Pacquiao: “Mayroon pa rin. Nandiyan ‘yung passion kong makatulong sa tao.”