Mag-utol nagpatayan sa bisikleta


ARESTADO ang teenager na pumatay umano sa kanyang kuya na nagalit nang hindi niya pahiramin ng bisikleta sa Quezon, Isabela.


Nagtamo ng apat na saksak sa ulo at katawan si Benjamin Egar, 38, ng Brgy. Minagbag, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.


Nasakote ang kapatid niyang si Robert Jake, 18, makaraan ang krimen.


Ayon sa ulat, nagalit si Benjamin dahil hindi siya pinahiram ng bisikleta ng nakababatang kapatid Martes ng hapon.


Nauwi sa pagtatalo ang kumprontasyon hanggang kumuha ng patalim ang suspek at saksakin ang kuya.


Nagtamo ng mga saksak sa tiyan, dibdib, likod at tenga ang biktima.


Nahaharap sa kasong homicide ang suspek.