First honors di ibinigay sa anak, ex-Army naghuramentado

NAGWALA sa graduation ceremony ang isang dating sundalo nang malaman na hindi sa anak ini-award ng paaralan ang first honors.

Agad namang pinayapa ng mga rumespondeng pulis ang ama.

Ipinakausap rin nila sa nagwawalang ama ang mga school officials para maipaliwanag kung bakit hindi nag-first honor ang anak.

Ayon sa ulat, naghuramentado ang dating sundalo nang malaman na second honor lamang ang anak sa isinagawang graduation ceremony sa Cebu Sports Club sa Cardinal Rosales Ave., Cebu City nitong Miyerkules.

Dahil sa insidente ay sandaling inihinto ang programa.

Hindi sinabi sa ulat kung kakasuhan ng paaralan ang suspek dahil sa ginawang panggugulo.