Bong Go di pa rin makapaniwalang nakaligtas sa aksidente

TODO ang pasasalamat sa Diyos ni Sen. Bong Go dahil hindi nag-crash ang sinasakyan niyang helicopter habang papunta siya sa Basilan.


Ani Go, akala niya ay katapusan na niya nang tumalbog nang dalawang beses sa ere at mabilis na bumaba ang helicopter.
Ayon sa piloto, itinulak ng tailwind ang chopper pababa. Nabawi din naman nito ang kontrol at maayos na nai-land ang chopper.


“By the grace of God and Allah — I was going to Basilan yesterday — I was safe… I thought it was the end for me,” ayon sa senador.


Pumunta si Go sa Basilan upang pasinayaan ang dalawang Malasakit Centers sa probinsya.


“For me, as your public servant, it would be an honor to die while serving our countrymen,” dagdag niya.


“I’m not really afraid to die. Only God knows when he’s going to take us,” ayon pa sa senador. –A. Mae Rodriguez