Biktima ni ‘Agaton’ sa Capiz, bibisitahin ni Digong ngayong Sabado de Gloria

NAKATAKDANG bumisita ngayong Sabado de Gloria si Pangulong Duterte sa Capiz para personal na masaksihan ang pinsalang dulot ng Bagyong Agaton sa lalawigan.

“Regardless of the previous election, regardless whether they voted for Roxas, I will show them that my government has done nothing but work for your welfare. Wala na, I can’t run anymore, tapos na ako,” sabi ni Duterte na ang tinutukoy ay ang kanyang nakalaban sa pagkapangulo na si dating senator Mar Roxas.

Idinagdag ni Duterte na ayaw niyang isipin ng mga tao na walang ginawa ang pamahalaan para matulungan ang mga biktima ng bagyo.

“So what we just want is for the people to be unable to say that the government didn’t do anything or didn’t give any form of help. That’s what I came here for and to see you smile,” ayon pa kay Duterte.