Bata nabaril sa leeg, dedbol

PATAY ang 12-anyos na bata na nabaril ng security guard sa isang construction site sa Mambaling, Cebu City kahapon.

Ayon sa pulisya, isa umano ang biktima sa grupo ng mga paslit na naaktuhang kumukuha ng scrap metal sa itinatayong gusali ng South Road Properties.

Kinumpronta ng sekyu na si Marelle Belano, 29, ang mga bata alas-5 ng hapon nang makitang bitbit ng mga ito ang ilang scrap metal.

Pinagbabato umano ng mga bata ang security guard kaya nag-warning shot ang huli para sindakin ang mga ito.

Tinamaan naman ng bala ang biktima sa leeg.

Nadala pa siya sa Cebu City Medical Center pero hindi na naisalba ng mga doktor ang kanyang buhay. Sumuko si Baldo matapos ang insidente.

Nahaharap siya sa kasong homicide in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.