Bimb: I am straight as an arrow

Tinuldukan ng bunsong anak ni Kris Aquino ang mga haka-haka tungkol sa kanyang sekswalidad.

Nagsalita na si Bimby at tiniyak niya ang PUBLIKO na siya ay “straight as an arrow” bagamat wala umano siyang nakikitang masama kung makita siya ng iba na isang gay.

Bukod dito, isang malakas ang komunidad na kinabibilangan ng mga gay, sabi ni Bimby sa video na in-upload ng kanyang ina nitong Sabado.  

“If you think I’m gay, alright dude. But you do realize na the  gay community in the Philippines is a strong community,” chika ni Bimb.  

“I don’t mind because I know what I am – I’m straight as an arrow,” dagdag pa ng anak ni Kris.

Chika naman ni Kris tatanggapin niya ang anak kung ano man ang maging sexual preference nito.   

“Whatever you choose to be, it’ll be fine with me.” sabi pa ni Kris sa anak.