Militiaman tinodas sa kural ng baboy

DEAD on the spot ang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nang barilin habang nagpapakain ng baboy sa Lacub, Abra kahapon ng umaga.

Naliligo sa sariling dugo at nakahandusay sa sahig ng kural si Vincent Garcia Jr., 31, nang datnan ng mga rumespondeng pulis.

Ayon sa ulat, nilapitan at binaril ng di- nakilalang salarin si Garcia, residente ng Brgy. Poblacion alas-5:30 ng hapon.

Inaalam na ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang. Sinabi naman ng mga kamag-anak na wala silang alam na kaaway ang biktima.