Bagong atraksyon sa Baguio na Igorot Stone Kingdom ipinasara

IPINASARA ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Martes ang pinakabagong atraksyon sa lungsod na Igorot Stone Kingdom.

Ito ay bunsod sa kawalan umano ng permit at safety issues ng man-made attraction sa Long-long Road, Pinaso Proper, ayon sa alkalde.

Binuksan ang Igorot Stone Kingdom na ngayon ay popular sa mga turista, noong 2021.

Ayon kay Magalong nag-ooperate ang nasabing tourist attraction ng walang business permit habang ang mga istraktura ay wala namang building permit, dahilan para maging kwestyunable ang structural integrity ng konstruksyon.

Inabisuhan na umano ang may-ari ng establisimyento tungkol sa mga violations nito, at sinabihan na mag-comply agad sa mga rekititos.

Gayunman, hindi umano sumunod ang may-ari at sa halip ay nagtayo pa ng karagdagang istraktura.

Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na sagot ang Igorot Stone Kingdom.