4 arestado sa P50M shabu sa Cebu 

ARESTADO ang apat katao matapos makumpiska sa kanila ang P50 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya sa magkaahiwalay na operasyon sa Cebu City Lunes at Martes ng gabi.

Sina Christian Amistad Peña, 32, at Burt Jason Faburada Turno, 36, ng Barangay Hipodromo, Cebu City ay inaresto sa Barangay Mabolo.

Nakuha sa kanila ang 3,225 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P21.9 million.

Samantala nakuha naman ang P28 milyon halaga ng shabu sa isa pang operasyon nitong Lunes na ikinaaresto naman ng mga suspek na sina Dondonico Pacot Duaban at Arceli Auron Cortez.