Yogi out, Rubio in sa Bureau of Customs

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Bienvenido Rubio bilang bagong Commissioner ng Bureau of Customs (BOC).

Kinumpirma ni Communications Office Secretary Cheloy Garifil ang pagkakahirang kay Rubio.

Pinalitan ni Rubio si Yogi Filemon Ruiz sa puwesto.

Si Rubio ang dating direktor ng Port Operations Service ng BOC’s Assessment and Operations Coordinating Group.

Wala namang ibinigay na paliwanag ang Malacanang kung bakit pinalitan si Yogi bilang pinuno ng BOC.