PDP-Laban may bagong presidente

INIHALAL ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP Laban) si Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez bilang bagong pangulo ng partido.

Papalitan ni Alvarez si dating Energy secretary Alfonso Cusi, habang mananatili naman bilang chairman ng partido si dating Pangulong Duterte.

Sa kanyang talumpati, niliwanag ni Duterte na hindi makikipag-away ang PDP-Laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

“I would like to make this thing very, very clear. We are not putting up a…against the party of the President. We are not going to quarrel with him…far from it. We will be giving our full support to him,” sabi ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na kapwa sila ibinoto ng mayorya ng mga Pilipino.