Palasyo hugas-kamay sa Sara-Digong text

ITINANGGI ni presidential spokesperson Harry Roque na ang Malacañang ang nasa likod ng mga text message na mula umano kina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Duterte na humihikayat sa publiko na magpabakuna.


“Ako po ang in-charge sa communications pagdating po sa bakuna ‘no. At I can say na bagamat ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpapakalat ng ganiyang text,” giit ni Roque.


Mababasa sa text ang mga katagang “From President Duterte at Mayor Sara Duterte” #safepilipinas #safedavao”. –WC