2 bata nakipagbarilan sa pulis

SUGATAN ang batang babae nang makipagbarilan kasama ang isang 12- anyos na lalaki sa mga pulis makaraan nilang pumasok sa isang bahay sa Florida, USA.


Ayon sa ulat, tumakas ang dalawa sa Florida United Methodist Children’s Home sa Enterprise at pumasok sa isang bahay sa bayan ng Enterprise.


Rumesponde naman ang mga alagad ng batas at pinalubutan ang bahay bago pinasuko ang mga bata.


Pero imbes na sumurender, nagpaputok ang mga bata gamit ang AK47 at shotgun na nakita ng mga ito sa bahay.


Gumanti ng putok ang mga pulis at natamaan ang batang babae, 14, na armado ng shotgun. Agad sumuko ang batang lalaki nang makita ang duguang kasama.


Wala namang nasugatan sa panig ng pulisya.


Inihahanda na ang kaso laban sa mga menor de edad.