Marcos idineklara ang Peb. 24 bilang special non-working holiday

IDINEKLARA ni Pangulong Bongbong Marcos ang Pebrero 24, 2023 bilang special non-working holiday bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power matapos namang tumapat ng Sabado ang pagdiriwang nito.

Pinirmahan ni Marcos ang Proclamation number 167 kaugnay ng paglilipat ng special non-working day ng Biyernes.

“To enable our countrymen to avail of the longer benefits of longer weekend pursuant to the principle of holiday economics, the celebration of EDSA People Power Revolution Anniversary may be moved from February 25, 2023 to February 24, 2023,” sabi ni Marcos.

Matatandaang napatalsik ang pamilya Marcos 37 taon na ang nakararaan at muling nakabalik sa puwesto makalipas ang halos apat na dekada.