62% ng Pinoy naniniwalang buhay pa diwa ng EDSA People Power–SWS

TINATAYANG 62 porsiyento ng Pinoy ang naniniwala pa ring buhay ang diwa ng EDSA People Power, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Idinagdag ng SWS na base sa isinagawang survey noong Disyembre 10 hanggang 14, 2022, 37 porsiyento naman ang nagsabi na patay na ang People Power Revolution.

Sa isinagawang survey, 57 porsiyento ang nagsabi na importante pa rin na ipagdiwang ang EDSA People Power at 42 ang nagsabi na hindi na ito mahalaga.

Kasabay nito, limang porsiyento lamang ang nagsabi na natupad ang lahat ng pangako sa EDSA Revolution; 19 porsiyento ang nagsabi na karamihan ay nagawa; 47 porsiyento ang konti lamang at 28 porsiyento ang nagsabi na halos walang natupad.

Ginugunita sa Pebrero 25, 2023 ang ika-37 anibersayo ng People Power.