LTFRB chair nagbitiw, kinuhang Press Undersecretary

KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagkakatalaga kay Land Transportation Franchising Regulatory Board chair Cheloy Garafil bilang Office of the Press Secretary (OPS) Undersecretary at office-in-charge (OIC).

Nagbitiw si Garafil bilang LTFRB chair at personal na kinumpirma na lilipat siya sa OPS bilang OIC habang naghahanap pa ng permanenteng Press Secretary.

“I have accepted the offer to help in the Office of the Press Secretary as its undersecretary and OIC,” sabi ni Garafil.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na nakatakda niyang pangalanan ang kanyang bagong Press Secretary sa susunod na linggo.

Ayon kay Marcos, isang media practitioner ang kanyang itatalaga bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Press Secretary Trixie Angeles.